rOdGiL profile picture

rOdGiL

I am here for Friends

About Me

BAWAL Basahin Ang Nakasulat Dito!!!“What’s the problem???” ang tanong ng boss ko sa isang katrabaho. Kasama ako sa sasakyan na hindi makaalis-alis dahil sa red tape. Mukhang naghihintay pa ng pampadulas ang mga kinauukulan. Kuripot ang amo kong banyaga. Hindi nagbitiw kahit singkong duling. Makakalabas daw kami sa gate nang hindi nagbabayad ng kung anu-ano dahil yun daw ang legal. Ma-prinsipyo. Bilib ako.“That’s why the Philippines remains poor!” sabi nya. Mainit , pagod kmi, at medyo bwisit. Doon nag-umpisa ang bwisit na kwentuhan.Na-culture shock daw s’ya sa Pilipinas pagtapak n’ya dito anim na taon na ang nakalipas. Laganap daw ang lagayan…at hindi sa pamamaraang patago. Hindi n’ya maintindihan kung bakit pumapatol daw tayong mga Pilipino sa ganito, gayong tayo rin ang nahihirapan. Kaya may mga nangongotong, dahil may nagpapakotong.Tinahak namin ang Navotas papuntang pier. Akmang-akma ang lugar para lalo akong balahurain ng employer ko.“Manila (Metro Manila) is one of the dirtiest cities in the world,” sabi n’ya. Parang musika sa tenga ko ang sinabi n’ya. Muntik ko na nga s’yang ilaglag sa sasakyan. Pero mas malakas ang sipa ng katotohanan. Madumi nga yung lugar na ‘yon. “And it stinks, too!” dagdag n’ya.Maganda nga ang tanawin sa aming paglalakbay. Mga batang walang panty at nilalangaw ang mukha. Mga kalalakihang walang t-shirt at bagsak ang katawan sa droga. At mga kababaihang abalang-abala sa pagpapasuso sa sampung anak. Ayos din ang mga tenement. Sa malayo mukhang mga rectangular na smokey mountain. Sa malapit mukhang bangungot.‘Yan ang view sa kaliwa namin. Gusto ko sanang tukuran ang mukha ng boss ko para wag nang makalingat sa kanan kung saan mas maraming peklat ng Pilipinas, pero nakita n’ya pa rin: mga basura, bahay, at bata na hindi mo malaman kung ano ang alin dahil sa kapal ng itim na usok ng mga sasakyan. Marami s’yang komento, sinabi ko na lang, “Well, what do you expect from a third world country?” Talo na ‘ko. Tama na ang yabang.Pinag-usapan namin ang tungkol sa negosyo n’ya… na nauwi na naman sa gobyerno natin. Sandamukal daw ang mga buwaya, red tape, graft, at corruption dito. Tinanong ko kung baka dahil lang dayuhan s’ya kaya s’ya ginagatasan. Ang sagot n’ya: “No, Filipinos do it even to other Filipinos!” Kitang-kita ko ang pagbagsak ng bandera ng Pilipinas sa sinabi n’ya. Naramdaman ko pa ang pagtama ng flag pole sa ulo ko!Maiintindihan n’ya raw kung mahihirap ang magnanakaw. Pero sa bansa natin, mga mayayaman ang malikot ang kamay… mga edukado, titulado, at nasa gobyerno. No, Filipinos do it even to other Filipinos… No, Filipinos do it even to other Filipinos… No, Filipinos do it even to other Filipinos… No, Filipinos do it even to other Filipinos… Patuloy ang pagtugtog nito sa isipan ko.Ikinuwento n’ya rin ang ginagawa sa kanya ng isa n’yang empleyadong Filipina. Pinagbalakan s’yang pikutin nito. Oo nga naman, instant fortune ‘yon kung saka-sakali. Mahahango sa hirap ang Pinay na ‘yon at ang kanyang pamilya. Aba, andami na nating success stories na ganyan! Kahit ang dating leader ng bansa, ganyan ang konsepto ng pag-unlad.Napag-usapan ang kultura, ang sex. Mababa rin ang tingin n’ya sa mga Filipina. Sabi ko eh marriage before sex ang kultura sa Pilipinas. Umiling s’ya, pinoy daw mismo ang nagsabi sa kanyang pakawala ang mga babae dito at mag-e-enjoy sya. Sabi ko, “Those are whores and the guy who told you that is a pervert.” Professional at kakilala ko pa pala ang nagkwento sa kanya. Asshole!Totoo ang mga kwento ng boss ko. Nakakangilo sa ngipin, pero totoo. At bagama’t nakakapikon s’ya minsan eh mabait at mabuti s’yang tao. Sa bayan nila, hinihikayat ang mga tao na umunlad. Dito raw sa atin, pag umuunlad ang tao, hinihila pababa. Nakakatakot mag-negosyo kasi yari ka sa mga “tauhan ng gobyerno”. Pag nakitang namumunga ka, babatuhin ka ng babatuhin hanggang sa malaglag ang mga prutas mo. Walang pinagkaiba kung legal o illegal ang negosyo mo, maglalagay at maglalagay ka rin sa mga kinauukulan. Bakit ka pa magli-legal???Hindi na importante kung ano ang negosyo at bayan ng amo ko. Hindi na rin pinag-uusapan dito kung “racist” s’ya o mas maraming kapintasan ang bansa nila. Ang issue dito ay “tayo”. Hindi ako naiinis sa mga sinabi n’ya. Naiinis ako dahil TOTOO ang mga sinabi n’ya.Sa pag-uwi ko sa bahay naisip ko, bakit ang Hong Kong at Singapore, hindi naman gaanong nabiyayaan ng likas na yaman pero maunlad? Bakit ang mga Hapon, bobo mag-english pero mayaman? Sa Pilipinas kahit bawal magtinda sa sidewalk, may nagtitinda. Kahit bawal magtapon ng basura kung saan-saan, meron pa ring tapon ng tapon. Paano pa kaya uunlad ang bansa natin n’yan?Disiplina lang kaya talaga ang problema sa ‘tin? Sigurado akong kahit sa mga sandaling ‘to, may isang Pilipino na bumabasa ng nakasulat dito kahit na sinabi nang bawal ito basahin. Tigas talaga ng ulo!

My Interests

computer games, movies, sports and most definitely..............FOOD

I'd like to meet:

anybody............. as long as you are a human being!

Music:

hhhhhhhhhhhmmmmmmmmmmmmmmmmm............................ not really sure.

Movies:

fast and the furious(parts 1&2), kill bill, the Skulls, Jackass, Scary movie(1&2)

Television:

nba, pba, pbl......anything about basketball.

Books:

BIBLE, boy meets girl, i kissed dating goodbye,.....................archie comics, hardy boys, pugad baboy(lahat), bakit baliktad magbasa ng libro ang mga pilipino?