bj profile picture

bj

I am here for Friends and Networking

About Me

ako ay isang simpleng nilalang na iniluwal ng institusyon. dati akong hunghang na nabubuhay sa paikot ng kasinungalingang mundong aking ginawa ngunit ngayon ay umiikot na sa pawang katotohanan na lamang, subalit hindi man ako hunghang na, ako na lamang ay isang gagong mangmang na nagpapakakuba sa gitna ng disyerto sa piling ng aking pinakamamahal na asawang si memae. maraming di nakakaintindi sa akin sa kadahilanang hindi ako maintindihan na kahit minsan ay di ko rin maipaliwanag ang sarili ko. mahilig akong mag-isip kahit na wala akong isip. at dahil dito ako ay ako. mabuti na lang at merong nakakaintindi, nag aaruga at nagmamahal sa akin... ikaw yun memae...mahal na mahal kita mommy...http://s105.photobucket.com/albums/m222/bjmemae/

My Interests

matulog, maglinis ng bahay, magpaka-alila sa iba't ibang lahi, magluto, maglaba, manood ng pelikula, lumamon, maligo, mag-gitara, mag-alak, manigarilyo, mangupal, gumala, magmaneho, lumangoy, magmahal, mang away, mag alaga, mangupkop, magpakupkop, magtawag, manigaw, magpakain, magtelepono, mag-teks, magsulat, magbasa, maghugas ng pinggan, magpuno ng tubig, mag ayos ng gamit, magtupi ng damit, magsampay, magpasaya, manginis, magpaligaya, magpatawa, magpaiyak, mang-insulto, kumuha ng mga larawan pang potograpiya, gumawa ng pagmamahalan at maraming marami pang iba!

I'd like to meet:

mga taong walang pakialam at ang mga nagbubukas ng pahina ko dito sa myspace (kung meron man...)....m/

Music:

mga maiingay at mga romantikong tugtugin nila steve vai, eric johnson, jimmy page, jimi hendrix, eric clapton, joe satriani at ng kung sino sino pang mga dakilang virtuoso ng gitara, biyolin at ng saksopone

Movies:

kahit anong nakaka-engganyong panoorin lalong lalo na ang mga makapigil hininga, ang mga kahindik hindik, kahalihalina at nakakatayong balahibong mga pelikula

Television:

tee-ep-see at pinoy teebee

Books:

si harry na tagagawa ng palayok, mga libro ni haring stephen, ang panginoon ng mga singsing, ang libro ng talaan ng mundo ni guinness, mga bastos at nakakatuwang basahin, ang sining ng pagmumura at panunumpa, mga librong pangteknolohiya at potograpiya at ngayon ang mga libro ni juan grasang hamon hehe!