3 _ d!EnaM!C F()Rc3s profile picture

3 _ d!EnaM!C F()Rc3s

ako si brent, itanin sa myspace hehehe

About Me

Ordinary gentlemen you can see on the streets, POGI, GWAPO, Member of the fraternity known as Tau Gamma Phi Triskelion's Grand Fraternity aims and dclc Chapter "largest Frat in Philippines" simple but terrible, The Missing Spandau, Women's Prince Charming (hehehe jokez), Part time drummer fulltime Lover, Nature and Pet lover, Less talk less trouble, I love band jamming sessions and games, :D, short haired and fair complexion guy, former marshall in the Philippines ex-lover too (heheh), simple boy with a simple goal, always at home but if you ask me to go out i'll never say no, and last but not the least A True Friend and a true brods to all triskelions"fratmen............Nagumpisa ang isang malupit at astig na yugto ng aking buhay ng akoy mkapag-aral sa kolehiyo upang mga pangarap ay bigyan ng kulay, sa aking unang pagyapak sa institusyong aking pinili binalot ng kaba at saya ang aking buong kaluluwa, sa wakas akoy isang kolehiyo na ngunit sa kabila nito ay my pagtataka kung ano ang naghihintay sa akin na magbibigay ng isang alaala. Sa bawat nagdaang araw habang ang aking katawan ay nakabalot sa unipormeng puti di man lang sumagi sa aking isipan na ang buhay ko sa kolehiyo ay ang simula ng aking pagiging isang "fratmen". Bawat araw ay itinuturing kong mahalaga sapagkat dito ko nakikilala ang mga bagong kaibigan na aking makakasama at maaasahan sa oras ng saya at kagipitan. Sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog, ang buong oras ay naigugugol ko lamang sa aking pagaaral. Nagbibigay sa akin ng kasiyahan ang mga dumadaan na hangin na nagbibigay sa akin ng munting kaligayahan. Ngunit sa kabila ng pagsasaya di man lang sumagi sa aking isipan na ang buhay sa kolehiyo ay punong puno ng kababalaghan na pedeng makapag bago ng daloy at ikot ng buhay ng isang tao. Isang araw sa aking pagtambay sa kainan ng aking paaralan di man lang sumagi sa aking isipan na ang taong aking makakausap sa oras na iyon ay ang taong magbibigay ng isang makulay at mapanghamong tadhana. Sa aming paguusap kanyang ipinaliwanag ang tunay na kahalagahan ng kapatiran, at sa aking pakikinig walang pagdaramdam sa aking kalooban kaya ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay nagbigay sa akin ng lakas ng loob upang di magalinlangan na akoy sumabak sa isang hamon. Ang pagiging mabait at palakaibigan ang naging daan upang ako’y kanilang mahikayat at isama sa kanilang grupo. Di alintana sa aking paguumpisa sa kapatiran ang mga pagsubok na aking pinagdadaanan, isautak ang mga salitang noong una ay hindi ko maintindihan, sumunod sa lahat ng kanilang kagustuhan, gawin ang mga bagay na sa tingin mo ay imposible, mapagtawanan, gawing tautauhan na parang isang laruan at higit sa lahat ay ang kainin ang sariling dangal. Ngunit sa kabila ng lahat dito ko napatunayan ang aking katatagan, katapangan at tunay na pagmamahal. Lumipas ang ilang araw, ilang lingo at sumikat na ang araw ng pagtatapos. Sa aking pagtatapos habang ang aking isang paa ay unting unting nilalamon ng lupa, nanatiling buo ang aking loob na naging susi sa aking tagumpay at mapabilang sa mga tinuturing na liyon na matatapang na nilagpasan ang isa sa hagupit ng pagsubok. Sa mga panahong iyon maituturing kong tunay na mga kapatid sina jinx, bhoyzki, cocoy at zike. Sapagkat sila ang mga kapatid kong di nag-iwanan sa oras ng kagipitan. Ang sugat na dumampi sa aming kalooban ay parang isang kagat lamang ng langgam na di namin namalayan na kami ngayon ay narito na sa kanya kanyang maayos katayuan. Nagdaan ang ilang buwan, dito sa loob ng kapatiran ko naranasan ang ibat ibang klaseng kasayahan na di mo matatamasa sa isang simpleng kaibigan o isang barkadahan, Sama sama sa problema, sa inuman, sa gimikan, sa kalokohan, sa kwentuhan, may pera o wala man sadyang di nagiiwanan. Nung una’y may naglalaro sa aking isipan “panu na ang aking pagaaral baka aking mapabayaan?”, di lang pala sa inuman magkakasama akalain mong magkaroon ka man ng problema sa iyong pagaaral ay isa sila sa magbibigay sa iyo ng kasagutan. At sila rin ang isa sa dahilan kung bakit ang aking pagaaral ay di ko napabayaan sapagkat isa sila sa naramdaman kong ako’y tunay na ginabayan. “Magulo!” Yan ang sabi nila sa kapatiran, kung iyong naiintindihan ang iyong sinalihan ay iyong mauunawaan na ang pagiging magulo ay nasa isang tao, hindi kapatiran ang may kakulangan kundi ang taong walang disiplina at di- sumusunod sa kautusan. Buong suporta ang aking inalay, at dahil sa aking tunay na pagtitiwala at pagmamahal sa kapatiran ako’y di nag alinlangan na maging isa sa mga namumuno upang palawakin at paunlarin ang tunay na kahalagahan ng kapatiran. Ilang araw na masasaya puro tawanan at kulitan ang bumalot sa aming katauhan. Ngunit sa kabila rin ng lahat ng ito, ay may mga bagay na bigla nalamang hahampas sa iyo kung saan muli’t muli ay susubukan ang iyong katatagan. Marahil di pa sapat ang aking karanasan upang makita ang aking tunay na katapangan at katatagan kaya sa akin ibinigay ang isang pagsubok na tulad nito. Isang malaking problema ang nagbigay sa akin sa loob ng kapatiran, di ko inaasahan na ang bagay na ito ang pwedeng sumira sa aking kinabukasan. Marahil nagkaroon ako ng pagkakamali at pagkukulang at sa nagawa kong iyon ay ang katumbas ay pagpapatalsik sa institusyong aking pinagaaralan, at sa ganoong kadahilanan kaya hindi ko narin nailihim sa aking mga magulang. Mahabang panahon ang isip ko’y parang isang sarangola na naputol ang kanyang sariling tali na unting unting bumabagsak at tanging hangin lamang ang nagbibigay ng pagasa. Halos sakloban ako ng langit at lupa ng natapat ang problemang ito sa panahon ng aking pagtatapos sa pagaaral. Walang ibang malapitan kundi ang taong lumalang, sa giyerang dumating tanging armas na pedeng bunutin ay ang taimtim na panalangin. Bawat segundong lumilipas ay itinuon ko sa paghingi ng kapatawaran sa lahat ng aking nagawang kasalanan upang dalanging pagaaral ay tapusin ay kanyang dinggin. Luhang bumagsak sa mga mata tila nagbabanta na ang lahat ng ito’y maging isa na lamang munting alaala. Sadyang ang tadhana ay mapaglaro lamang dahil aking munting dalangin ay agad dininggin. Salamat sa may-awang maykapal, sa pagkakataong ibinigay ng presidente ng aming institusyon, sa kapatid at magulang na di nagkulang, sa aking mahal na kaibigan na walang sawang sumuporta, sa mga kapatid ko sa kapatiran na laging nasa likod ko at hindi nang-iwan, at sa lahat ng payo ng aking mga butihing kaibigan. Laking pasasalamat ko heto ako at nananatiling matatag pagkatapos ng isang karanasan na halos pangarap ko’y sa tabi’y bigla na lamang ibinalibag. Buti nalang ay naihalintulad kami isang liyon na buo ang tapang kung lumaban ito marahil ang naging dahilan kung bakit ako ngayon ay narito at lahat ng pagsubok ay aking nilalagpasan. Nakatapos na ako sa aking pagaaral sa kolehiyo ngunit pakiramdam ko di pa tapos ang aking kalbaryo, sapagka’t ano man ang mangyari sa bawat oras sa buhay ko.. nanatili paring dumadaloy sa dugo ko ang pagiging “fratmen” ko.Ako si BRENT, ang taong tinutukoy sa kwentong ito.. Handang handa sa muling paghampas ng alon at sa muling hagupit ng hangin, laging hahanapin ang liwanag tuwing sasapit ang dilim, mananatiling lumalaban armas ay panalangin.Salamat sa oras na inilaan ninyo sa pagbabasa sa maikling kwento ko!

My Interests

jam with my band

I'd like to meet:

all great musicians

Music:

dami masyado, basta rock n roll at metal kahit mapa old school pasok sakin

Television:

myx live , punk'd , rock myx

Books:

tenets and codes of conduct

Heroes:

hernando guevarra at lahat ng malulupit na musicians