Musika, sining, kultura, paglalakbay, teatro, kalusugan, sayaw, at Ang Diyos. Wikang tagalog na ren...
Mga taong nais ren akong makilala (naks! ulit)
Mga Kristiyanong mang-aawit at kung anuman ang laman ng 101.9 "Mix".
"
Madalas akong manood ng telebisyon. Paborito ko ang "Wazzup2" sa TFC at "Late Night with Conan O'Brien".
Paborito ko ang librong "Why I Am A Christian?" na isinulat ni John Stott. Nakamamangha ang mga konseptong inilahad ni Stott sa librong ito. Sa unang basahan, mapagkakamalang ang mga dahilang kanyang ibinibigay ay masyadong pinasimple at kung gayon ay mahirap paniwalaan (madali lamang magkaroon ng ganitong uri ng pag-iisip, lalo na sa mundo ngayon). Ngunit kapag ang mga ideyang ito ay binigyang pansin at talaga namang pinagbulay-bulayan, walang makapagtatatwa na ang desisyon para sumunod sa Diyos ay tunay ngang pinadali, pinasimple, ng Diyos mismo. Nang, bunga ng Kanyang wagas na pag-ibig para sa ating lahat, ibinigay Niya ang Kanyang Anak na si Hesukristo upang tayo ay makapiling sa langit habangbuhay, ating mawawari -- simple lang nga. Wala naman tayong ginawa, ginawa na Niya lahat, eh. Kelangan na lang nating tanggapin Siya.
Ang aking mga magulang (naks, naks, at naks ulet!)