don don profile picture

don don

I am here for Friends

About Me

.dahil.ako.ito.
mabuti n lang ako ito
di na kailangang umidolo ng iba
para sa ikagagaling ko.
di na kailangang pagpatung patungin ang maskara
sa ilusyong magustuhan ako ng iba
di ko kailangang sayawin
ang lahat ng tugtuging nais nilang sayawin
di ko kailangang pakinggan ang
mga awitin nilang sa aki'y walang damdamin
di ko kailangang luhuran
ang lahat ng santong kanilang niyuyukuran
at usaling ang mga panalanging
kailanma'y di ko naintindihan
d ko kailangang pakinggan ang lahat ng bibig
na bumibigkas lamang ng kamang mangan
at magkaroon ng tagapagsalita
sa prinsipyong aking tinitindigan
at di ko kailangan ipagduldulan
ang aking kahubdan
sa mga nilikhang dinadamitan ng pagkukunwari
at kabuktutan
sapagkat ang pagtanggap sa buong mundo
sa aki'y di ko hangad
.....dahil ako ito.
Note:
Kinopya ko ito mula sa tabulas ng aking idolo......
Lola hannah aheheh pakopya po ^^

nyahahahh ako yang nasa left at si sherwin ang utol ni the used na oklog ahehhehe..... hmmm 3:00 na ata yan ng madaling araw ragna parin mga adeks ^^

hmmm.... ano kaya niiisip ko....