Ako ang taong hindi mabubuhay na walang kausap! I want to talk all day! Isa pa, mahilig ako magsulat, mag-concert sa banyo, mag-gitara, mag-drawing, manood ng TV, matulog, humiga at magkulong sa kwarto. Ay oo nga pala, mahilig din akong kumain pero naka-diet ako ngayon eh...hahaha! duh...
mga taong marunong magpakatotoo sa kanilang mga sarili... (people who knows how to be true to themselves) Dahil ayoko na kumilala ng mga tao na sila mismo hindi nila kilala ang sarili nila. Hirap nun pare!
Ako? mahilig ako sa pop at mga senti songs...sige na nga, basta kaya kong kantahin, trip ko. ayoko ng masyadong nakakagulo ng utak...hanggang alternative lang siguro ako. basta ayoko ng music pag may gingawa akong importante dahil lumilipad ang utak ko...o kaya nananakit lang ulo ko at nauumay ako. gusto ko ng music, lalo na yung soothing type pag gumagawa ako ng house chores...weird no? pero bihira lang mangyari yun haha!
Kabilang ako sa samahan ng mga taong pag walang magawa ay manonood na lang ng sine...kaya minsan kahit ano pinapatulan ko...minsan masaya kapag walng kuwenta yung pinapanood mo, yung tipong alam mo na yung istorya pero papanoorin mo--kahit nalulugaw utak mo sa mga eksena! wala eh enjoy kasi, nawawala ang mga problema mo. Solb solb na! pero minsan naman nagccrave ka ng intellectually stimulating movie, pero minsan lang yun...minsan lang naman ako maging bobo, lulubusin ko na pag nanunuod ako ng sine
Regressed -- yan ang pwedeng itawag sa akin pag nalaman niyo ang gusto kong pinapanood. bakit? kasi sabi ng nanay ko, sa tanda kong ito eh cartoons pa rin daw ang pinapanood ko...uyyy hindi ha, nanonood na ako ng hentai. wahahaha, hindi pambata yun! basta yung tv ko sa bahay nakatutok 24/7 sa nickelodeon o kaya sa HBO at wowow...ay lifestyle network pa pala...pag dun ako nanunuod, sinisipag ako maglinis ng kwarto and at the same time, nafrfrustrate dahil wala akong pera gawin yung pagpapaganda ng bahay namin!
bihira na akong makapagbasa ngayon ng libro na walang kinalaman sa nursing..hayy... pero gusto ko yung mga nakakaiyak...katulad ng tuesdays with morie at the notebook pati yung mga nakaka-amaze tulad ng siddhartha at the moscow club. (dahil sa librong ito, nagkainteres ako maging CIA pati nalaman ko kung pano pumatay..wahaha...i'm so baaad!)
andres bonifacio. nanay ko. chan-chan. SAKURAGI.