mae2noodle profile picture

mae2noodle

http://mae-noodle.blogdrive.com

About Me

uhm... isa akong pusa na nagkatawang tao.
ang tunay kong pangalan ay LEALEY MAE BRIZUELA
[di ko lam kung bakit pero LILIMEY ang basa jan..]
bakit mae_nOodLe? kase..
nung highschool nauso yung gorillaz. meron ako dalawang guy friends noodle ang tinawag saken. sila naman si 2d at murdoc. pag nagsusulatan kame [corny?] yun ang pangalan namin.
bakit teikuting? kase..
may pusa ako dati "tei" ang pangalan. nakuha ko yun sa anime, nakalimutan ko na yung title. basta. si tei ang paborito kong pusa. hanggang ngaun. kahit wala na sha..
ang hapi berdey ko ay sa MAY 30
gusto ko sana may31 kaso wala ko magagawa, napaaga ko ng isang araw. nung mejo bata pa ko hindi ko naranasan yung may bumabati sakin na classmate pag birthday ko. kasi nga bakasyon. first time ko mag-celebrate ng birthday na may pasok eh nung 18th birthday ko. may NSTP kasi kami nun. nakkahiya. kinantahan ako sa classroom. yay! korni.
ako ay nag-iisang anak ng nanay at tatay ko. gusto ko sa na ng kuya.. kaso wala.
school ko OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY
2nd year, computer science course ko
frustrations ko sa buhay:
    gusto ko sana marunong ako magdrawing o kaya tumugtog ng kahit anong instrumento. kaso wala akong talent.. nakakapag-keyboards ako pero basics lang alam ko.
    hindi ako marunong mag-basketball. o ng kahit anong sports. hay! wala kong alam..
    frustrated technician din ako [computer..]

sa totoo lang sobrang boring at korni ang buhay ko.
ang kwarto ko ay parang basurahan. maraming lumang gamit. kahit test paper nung high school nakatago pa. di ko matapon kasi may sentimental value na.
ayoko ng pinapakelaman gamit ko. di bale ng magulo. pag may kailangan ako, alam ko naman kung san hahanapin.
wala kong interes sa lovelife. masaya ko mag-isa.
natutuwa ako pag may nagtatanong or nagpapatulong saken. feeling ko may kwenta ang buhay ko.
di ako maluho pagdating sa pormahan. tshirt-pantalon-sapatos ok na. wala kong hilig sa accesories. mas gusto ko pa bumili na lang ng libro kesa bagong damit [pambihira. para naman nerd yung dini-describe ko dito] meron ako isang hikaw. as in isa lang. walang kapares. hehe!
CLOSE FRIENDS ko di lalagpas ng lima. di kasi ako friendly mashado. pero pag chinika mo na, yun na! close na tayo. hehe.. yun nga lang boring ako kausap.
natutuwa ako sa mga nakikipagkaibigan saken. girls and boys. kahit sino. as in yung superfriends talaga.. hindi karir.
ayoko ng spaghetti sa umaga. or kahit anong noodles. di ko feel..
i don't eat pork. wala lang.
usapang pagkain? hehe.. mahilig ako sa patatas!
nagluluto din ako paminsan-minsan.
hindi ako organisado. lahat ng gawin ko siguradong magulo at may palpak.
humahanga ako sa mga magaling magsulat. isa rin kasi yun sa mga frustrations ko.
ako ay self-proclaimed jologs at korni. mashado kong madrama. at walang makausap. kaya meron ako blog.. bisita po kayo!^^ http://www.boomspeed.com/sfhelpers/backgrounds/80.gif
www.mae-noodle.blogdrive.com
mae-noodle.blogdrive.com

My Interests

hindi ako henyo pero namamangha ako sa siyensha pati sa mathematics (parang magic kase.. saka parang lagi sakto.. nakakatuwa) pati... interesante din ang theology at literature.. mahilig ako magbasa ng kung anu ano... wala naman ako talento o kakaibang kakayahan kaya wala ko mashado pinagkakaabalahan. ano pa ba.. aliw ako manood ng anime pati.. mahilig ako sa pusa! sobra..

waaa... kras ko si drake!!!

.. width="425" height="350" ..

.. width="425" height="350" ..
taking back sunday- this photograph is proof

I'd like to meet:

nice people... friendly? kahit sino....

Music:

thursday... dashboard... typecast.. silverstein.. from autumn to ashes.. saosin.. ataris... lacuna coil.. lumang eheads... parokya... barbie's cradle... sinaunang slapshock... the used... taking back sunday... good charlotte teeth kamikazee ciudad imago sandwich chicosci musika ni rico blanco... playgroundz tech-speak

Movies:


Television:

spongebob squarepants, jimmy neutron, shaman king, galaxy angel, irene [walang pakelaman! bakit ba?]

Books:

any basta interesting...
The Alchemist by Paulo Coelho (inspiring...),
Lord Of The Flies ni William Golding(nkaka-frustrate...),
pati books ni Bob Ong (nakakaaliw! pero may sense...)

Heroes:

si DAHON! saka si bestfriendrv..

kenshin ko!!!

My Blog

lord of the flies

KILL THE BEAST! CUT HIS THROAT! SPILL HIS BLOOD! The rock struck Piggy a glancing blow from chin to knee; the conch exploded into a thousand white fragments and ceased to exist. Piggy, saying no...
Posted by mae2noodle on Mon, 01 Jan 1900 12:00:00 PST

BLOGDRIVE

meron po ako blog, bisita kayo minsan... www.mae-noodle.blogdrive.com salamat!!!!...
Posted by mae2noodle on Mon, 01 Jan 1900 12:00:00 PST