Jeremy profile picture

Jeremy

I am here for Friends

About Me

"Ang aking SARILING PAGKATAO"

Ako ay isang tao, me 2 paa, 2 kamay na tig-10 ang daliri, me bibig, me 2 mata, 2 tenga at ilong na maganda. Me maliliit na ngiping masarap kumain at may dilang maliit na nagsasabing huwag kang magsisinungaling

My Interests

"Ang aking mga INTERES sa BUHAY"

Hilig ko ang musika, mula noong aking pagkabata, ako ay namulat na sa musika, natatandaan ko pa noong ako'y bata pa, ako ay kumakanta sa banyo, sa kuarto, sa bintana, sa me pintuan at sa during flag ceremony

Hilig ko rin ang computer, Hilig ko rin ang mangolekta ng CD ni Mariah Carey... Hilig ko rin makinig ng radyo lalong lalo na kung ito ay tumatalakay ng mga saloobin at kuru-kuro!!!

I'd like to meet:

"Ang aking mga taong Gustong MA-MEET"

Gusto kong ma-mit ang mga taong me mabubuting kalooban, masarap magluto, mabait at marunong makipagkapwa-tao.. Ibig sabihin, gusto kong ma-mit sina Chavit Singson, Erap, Leo Echagaray, Osama Bin Laden at si Ka Popoy Lagman

Gusto ko ring ma-mit ang mga taong me magandang ginawa sa atin lipunan.. Gaya ng mga drug lords, jueteng lords, gambling lords at si Lord of the Rings.. Wala lang para masaya tayong lahat

Music:

"Ang aking mga paboritong MUSIKA"

Gaya nga ng aking nabanggit, ako ay nangungulekta ng CD ni Mariah.. ang ibig sabihin po nito ay.. gusto ko si Mariah.... Therefore, yung mga kanta ni Mariah ang gusto ko!!!

Bukod sa mga nabanggit, hilig ko ang POP, R&B, DANCE, at ALTERNATIVE ROCK music.. ayaw ko ng HARDROCK kasi nakakabasag ng eardrums eh!!!

Movies:

"Ang aking mga paboritong PELIKULA"

Gusto ko ang mga pelikulang nagbibigay ng mga magagandang aral at kapakipakinabang sa araw araw na pamumuhay.. Ang ilan sa mga pelikulang ito ay ang.... TALONG, SARIWA, BASA SA DAGAT, CURACHA, HALIMUYAK ng BABAE at yung mga gawang Seiko.. Kasi, If its from SEIKO, It must be GOOD!

Hilig ko rin ang mga hi-tech na pelikula.. gaya ng INDAY BOTE, INDAY SA BALITAW, PRINCESS SARAH, CEDIE ANG MUNTING PRINSIPE!!!

Television:

"Ang aking mga paboritong TELEVISION SHOWS"

Ndi ako masyadong nanonood ng TV pero nung bata pa ako, ang mga hilig ko ay BIOMAN, SHAIDER, MASKMAN, TAKESHI's CASTLE at ULTRAMAN!!!

Hilig ko rin yung mga shows ni Lotlot De Leon na "LOTLOT AND FRIENDS".. yung musical show ni Alma na "LOVELINESS" at yung .1 Sitcom noon, yung "CHICKS TO CHICKS"

Heroes:

"Ang aking mga BABABABAYANI!!!!!"

Walang monumento ang aking mga favorite na bayani.. dahil sila ay mga buhay na bayani.. Siya ay si SARAH.. not Geronimo but BALABAGAN.. ang bagong bayani ng bansa.. kaya bumili kayo ng ALBUM nya at ng maka-GOLD naman!!

Paborito ko ring bayani sina Bayani Agbayani, Techie Agbayani, Bayani Casimiro, Si Ka Bayani, Hero Bautista at ang aking bagong bayani.. Si Hero Angeles!!!!