Mapayapa at pinagpalang pagbati sa inyo!Layunin ko po na maiparating ang boses ninyo sa Senado upang sama-sama nating ipaglaban ang tama at labanan ang mali.Pangunahing pagtutuunan ko ng pansin ay ang maibalik ang dignidad ng bawat Pilipino nang sa gayon ay taas-noo nating harapin ang mga hamon ng tadhana sa pamamagitan ng pagsulong sa mga sumusunod:(1) Disenteng tirahan sa bawat Pilipino ayon sa programa ng Gawad Kalinga (GK), di lamang para sa mahihirap kundi pati na rin sa mga ordinaryong empleyado tulad ng mga guro, pulis, sundalo at iba pang mga kawani;(2) Kabuhayan at sapat na pagkakakitaan batay sa sariling kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng micro-finance, skills training, at pagbigay ng prayoridad sa sarili nating mamamayan at kababaihang entrepreneur;(3) Pagkakataon ng kabataang Pilipino na makapag-aral at makapagtapos mula mababang paaralan hanggang sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na pondo sa mga state colleges at universities, kaagapay ang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng pribadong sektor sa larangan ng edukasyon;(4) Pagkilala sa karapatang makapagpagamot at gumaling sa anumang karamdaman lalung-lalo na ang mga mahihirap at mga may edad;(5) Pagtatanggol sa karapatang pantao at pagsupil sa anumang uri ng diskriminasyon;(6) Pangangalaga ng ating kalikasan sa pamamagitan ng wastong paggamit nito upang matiyak na ang ating likas na yaman ay mapapakinabangan ng susunod pang mga henerasyon; at(7) Isulong at ipaglaban kung anong naaayon sa batas upang makamtan ang katotohanan, katarungan, kalayaan, kapayapaan at pagkakaintindihan nating lahat.Ito ang aking mga adhikain at pangarap para sa bawat Pilipino. Hiling at dalangin ko na sama-sama nating pagtulungan na makamtan ang lahat ng ito.Ang inyong boses sa Senado,SENATOR CHIZ ESCUDERO
buong sambayanang pilipino
American President, Airforce One
my father "Congressman Salvador Escudero"