Miko profile picture

Miko

Fiesta Boy

About Me

Ako ay isang simpleng tao lamang. Madaling pasayahin, at masayahing tao. Seryoso din naman akong tao kahit na madalas ay pangisi ngisi lang ako. Marunong magmahal, nasasaktan, nagkakamali, at nagpapatawad. Mahilig din akong tumambay kasama ang mga kaibigan ko at madali kong ma-miss ang mga kaibigan ko. Masarap tumambay dahil lalong tumitibay ang pagsasamahan at pagkakakilala ninyo sa isa't isa. Kala ng ibang tao e mayabang ako pero sa totoo lang e hindi naman. may mga naninira din sa akin pero ayos lang, i pray for them (seryoso to ah). Kahit na makwento akong tao e minsan di ko alam ang sasabihin ko pag kasama ko ang isang partikular na tao. Minsan kahit na ang dami kong gusto sabihin e tumatahimik na lang ako. Minsan ay gusto ko ring mapag-isa... para mag-isip. Kumportable ako sa sarili ko ngunit minsan ay nakakalimutan kong mahalin ang aking sarili. At ang huli, mahal ko ang pamilya ko at mga kaibigan ko.

My Interests

music, road trip, going out of town, starbucks, tambay, jamming, watching movies, inom, yosi, girls, teatro, photographs, sound trip

I'd like to meet:

kahit sino. girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy

Music:

mashadong malawak ang nasasakop ng musika, di ko lahat masusulat dito

Television:

di nako nakakapanood ng TV e, there's so much to see and to experience

Books:

lahat ng Psychology books ko

Heroes:

my mom and my dad