About Me
Very sensitive akong tao, lahat ng bagay ay sineseryoso ko. Sabihan lang ako ng di magandang salita kahit di sinasadya naaapektohan agad ako. Konting kritisismo lang sa akin e naiinis agad ako pero depende din yun sa pumupuna, kung friend ko ok lang pero kung feeling friend lang siguro depende sa pagkakasabi. May mga tao kasing nangcri-criticize ng tao para lang ipahiya.Di ako friendly, mahiyain kasi ako e, negative thinker din, kaya minsan iniisip ko baka si nila ako magustuhan pero pag friend ko na yung isang tao talagang forever na, di na makakalimutan, panghabambuhay na. Iniingatan ko talaga ang mga nagiging friend ko kasi minsan na nga lang dumating pakakawalan ko pa, di ba?Mahilig akong magbiro at mang-asar pero ako yung tipong ayaw magpaniro at magpa-asar, weird noh? Pikon kasi ako e! Pero di lahat ng friend ko ay inaasar ko, depende sa mood nila or depende sa situation.Mahilig din akong kumain. Mababaw lang naman ang kaligayahan ko e. Ok na sa akin yung turon, banana que, buko pie, pizza pie, cheese burger, corn muffin, jelly ace, ice cream, piyaya, belgian choco, balot, cadsbury, hershey, toblerone, ferrero rocher, munchkins, midgets, v-cut, lays, ruffles, piknik, etc. :)Kapag wala akong ginagawa sa bahay nagpe-PlayStation ako or nakikinig ng CD or nanonood ng TV or nagbabasa ng Best of Pinoy Jokes! All-time Favorite ko talaga ang Final Fantasy so kung favorite nyo rin yon 100% sure ako na magkakasundo tayo! Kung minsan kapag wala akong magawa nilalaro ko yung mga pusa namin. Sobrang hilig ko talaga sa pusa, ever since the world began. Di ko nga malaman kung kanino ako nagmana e kasi yung nanay at tatay ko mahilig sa doggy. (style? joke!)