Los Indios Bravos profile picture

Los Indios Bravos

About Me

Kasalatan sa Buhay at paghahangad ng tunay na Reporma para sa ating Mahal na Bansang Pilipinas sa pamamagitan ng Sining, Kultura at Musika ang nag-udyok sa Los Indios Bravos na magsanib at magpahayag. Ang aming pagsasalarawan ng lipunan at pagpapasahimpapawid ng mga Awiting Rebolusyonaryo ay naglalayong ibalik ang pagpapahalaga sa ating pinagmulan, pag-ibayuhin ang kaalaman ng mga maglalakas loob na sisirin ang aming pagsuyo at pangingiliti sa kaisipan at kamalayan ng Karaniwan at Kasapi, paigtingin ang lakas pang-indibidwal at pang-sosyal ng mga Kapatid nang sa gayon ay matutong manindigan, magsulong ng sariling pakikibaka para sa pangsariling mga pagsulong at makialam sa mga pambansang mga isyus sa mahinahon at epektibong pamamaraan, isulong ang Masa! ang lakas ng boses ng pahihinagpis ng mga aba ay bibigyang tinig at ipapahiwatig sa may mga Guinintuang Puso ng buong puso at kisig.Ang Los Indios Bravos ay reaksyunaryo sa paraang Maka-Diyos, Maka-Bayan at Maka-Tao...kung ikaw'y nagalak, naantig, kumilos, isipin mong ang lahat ng ito'y sapagkat ikaw'y tao. Nakadarama pa rin at sensitibo sa panaghoy ng Konsensya, mulat sa kinasasapitang kahirapan ng mga kapatid, at higit sa lahat bukas pa rin ang Puso sa tawag ng tunay at ganap na Pagbabago.Taong 2003, nagsimula ang grupo na magpinta ng makabago, at mas-MakaBayang perspektibo sa dalawang kultura ng Musika sa Pilipinas: Ang Sariling Atin na nagmula pa sa iba't-ibang mga Minoryang Komunidad kung saan ang samahan ay humiram ng mga tunog na may angking halina at kariktan sa kadahilanang ang bawat hilahil ng mga ito'y nag-ugat pa sa tunay na pinanggalingan ng ating Lahi, ang Lahing Pilipino...nais rin ng samahan na palawigin pa ang kaalaman at kasanayan sa pagtukoy ng mga instumentong katutubo at mapag-kaisa ang mga ito sa isang makabuluhang awiting talaga namang napapanahon. Hindi naman makakailang salat pa ang samahan sa mga kaalaman at mga paksaing ukol sa isa sa mga haligi ng kanilang musika. Matuturing pa ngang "sanggol" ang grupo sa larangang ito ngunit sinisikap nilang makalap kung papalarin ang lahat (sana) ng esensyal na impormasyon, kaalaman, kasanayan, ukol sa Musikang tunay at maipagmamalaking atin...Ang Kontemporaryong musikang Pinoy na sya namang naglilok at nagbigay ng pagkakakilanlan ng Industriya ng Musikang Pilipino sa buong mundo. Ang kulturang Hip-hop Afro-Amerikan, na kung kikilalanin at susuriing mabuti ay may mensaheng positibo rin naman. Naglalayon itong pag-isahin ang Lahing-Itim sa buong mundo upang patuloy na makibaka para sa kanilang tuluyang 'paglaya' sa kahirapan.Ito na siguro ang mga bumubuo sa lahat ng silahis ng aming musika. Ito na rin ang nagsisilbing 'gaas' para sa amin na ipagpatuloy ang paglikha ng musika.

My Interests

Music:

Member Since: 09/08/2006
Band Website: www.soundclick.com/losindiosbravos
Band Members: *John Paul Sierbo Balanquit AKA likwid, Syang Tao*Jonan Ferdinand Quiepo Aguilar AKA JA, Balong*John Mark Diego AKA Tala, Watchdog*Earl Aquino AKA Kintal Dakila
Influences: Panginoon, Bayang Pilipinas, Sambayanang Pilipino,Ang aming mga Pamilya: Aguilar, Aquino, Balanquit at Diego (at sa lahat ng mga itinuturing naming Kapatid, IKAW!),Mga Luma at Bagong Bayani,Mga Taong hindi napapansin, mga nag-iisa, mga nakaligtaan, mga nalulumbay, mga biktima ng kawalang hustisya, mga batang nilamon na ng lansangan(inabanduna), mga nananangis ngunit buong tapang na hinaharap ang mga pagsubok ng buhay, mga patuloy na naniniwala sa kahalagahan ng Pamilya......itutuloy ko pa ba?
Sounds Like: ritmo ng pusong taos ang pag-ibig sa tinubuang lupa. sing tunog ng mga nananangis sa mga lalawigan at kalungsuran.
Record Label: Rondalya Productions
Type of Label: Indie

My Blog

The item has been deleted


Posted by on